Sunday, October 13, 2013

KUNG SAKALI


Sayang,
Akala ko'y kaya kong patunayang
Hindi ako mahuhulog sayo
Ano nga bang nangyari sa atin at parang
Hindi ako makawala sa ala-alang
Minsan nating sinubukang
Itago. Itago...

















Saan nga ba patungo ang mga ala-ala?
Saan nga ba dadamputin ang oras na inaksaya
Sa mga taong ginamit natin upang makalimot
Upang makalimot...

At kung sakali mang babalik ka pa
Aaminin kong mahal kita
At kung sakali mang hindi ka na lilisan
Ipapakita kong mahal kitang lubusan

Nang bago ka mag-paalam
Nagpasalamat ka sa mga oras na ating inilaan
Pero hindi mo ako nakitang nasaktan
Paano ko nga ba sasabihing
Hindi lang naman ako kaibigan?

At kung sakali mang babalik ka pa
Aaminin kong mahal kita
At kung sakali mang hindi ka na lilisan
Ipapakita kong mahal kitang lubusan


No comments:

Post a Comment