Thursday, October 17, 2013
KAPALIT
Ano nga bang kapalit ng pagtanggi sa nadarama
Kamusta na ba?
May natira pa bang ala-ala?
Hindi kasi kita binigyan ng pagkakataon
Kaya eto ako ngayon, nabubuhay sa "noon"
Ano nga bang kapalit ng pagtingin sa mukha
Kung sa bawat nakikilala
Ikaw ang nakikita?
Hindi kasi kita binigyan ng pagkakataon
Kaya eto ako ngayon, nabubuhay sa "noon"
Hindi pa ba sapat ang paghingi ng pasensya
Inaamin ko, mali ako
Hindi ba pwedeng magbago
Ang minsang dumaan, dapat na bang kalimutan
Sa bawat paglisan palaging may maiiwan
Ano nga bang kapalit ng bawat pagtatagpo
Narito ka, pero hindi ka nag-iisa
Hawak mo ang kamay nia
Ano nga bang kapalit ng bawat pagtatago
Ng nararamdaman, ng nararamdaman
Hindi pa ba sapat ang paghingi ng pasensya
Inaamin ko, mali ako
Hindi ba pwedeng magbago
Ang minsang dumaan, dapat na bang kalimutan
Sa bawat paglisan palaging may maiiwan
Sa aking pagtalikod
Alam kong ika'y napagod
At hindi ko alam, hindi ko alam
Na ang nais mo lang ay sabihin ko na
Na ang nais mo lang ay bawiin kita
At hindi ko alam, hindi ko alam
Hindi ko alam...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment